Home NATIONWIDE Chavit Singson kinasuhan sa Ombudsman

Chavit Singson kinasuhan sa Ombudsman

373
0

MANILA, Philippines – Nagsampa ng reklamong plunder at graft sa Office of the Ombudsman ang mga magsasaka ng Narvacan, laban kay dating Narvacan, Ilocos Sur mayor Luis “Chavit” Singson at sa ilang iba pa.

Nabatid sa tatlong pahinang (3) reklamo ng plunder na inihain ng mga magsasaka ng Warriors Ti Narvacan, Inc. ang reklamo laban kay Singson sa pangunguna ni Atty. Estelita Cordero.

Ayon pa sa reklamo, kasama ni Singson na sinampahan ng plunder case ang dating Vice Mayor Pablito Sanidad Sr., at Mayor Edna Sanidad na ngayon ay alkalde ng bayan ng Narvacan at members ng Sangguniang Bayan ng Narvacan at iba pang dating opisyal ng Narvacan.

Sinabi sa complaint ni Atty. Estelita Cordero nag-ugat ang reklamo dahil umano sa pagkakasangkot ng mga inirereklamo sa pagbili umano ng halos 10 ektarya ng umano’y overpriced na lupa na pag-aari ng Western Textile Mills, Inc.

Ayon kay Atty. Cordero, si Singson at ang kanyang mga kapwa akusado ay umano’y nakinabang ng humigit-kumulang ₱100 milyon mula sa transaksyon, matapos mabili ang ari-arian sa halagang ₱149,961,000—mas mataas sa aktwal na halaga nito na ₱49,987,000 lamang.

Nabatid pa kay Cordero na ang transaksyon, ay naganap noong 2019 sa termino ni Singson bilang alkalde, ay nagdulot ng ₱100-milyong pagkalugi sa ang pamahalaang local ng Narvacan pondo ng bayan.

Kasama sa iba pang respondents sa reklamo sina dating Vice Mayor Sanidad Sr., mga miyembro ng Narvacan Sangguniang Bayan, Municipal Assessor Arlene Debina, at Raymond Ang ng Western Textile Mills, Inc.

Kaugnay nito nagsampa rin ng reklamo ang ibang grupo ng mga magsasaka at mangingisda ng Narvacan ng kasong graft laban kay Singson, at sa iba pa na inakusahan ng iligal umano na pag-okupa sa mga baybaying lupain sa Sulvec, Ilocos Sur, kung saan siya umano ay nagtayo ng isang Santorini-style resthouse.

Pinangalanan din sa reklamong ito sina dating Philippine Tourism Authority General Manager Robert Dean Barbers, Ilocos Sur Provincial Environment and Natural Resources Officer Rosemarie Jornacion, at mga miyembro ng Narvacan Sangguniang Bayan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here