Home NATIONWIDE Nene nilamon ng ilog sa Bulacan

Nene nilamon ng ilog sa Bulacan

278
0

Bulacan – Isang kalunos-lunos na bangkay ng batang babae ang narekober ng mga awtoridad sa ilog ng bayan ng Santa Maria nitong Oktubre 18.

Sa report, nakilala ang biktima na si alyas LJ, 12, estudyante at pawang residente ng Brgy. Guyong.

Ayon sa report, bandang 2:00 ng hapon nitong Oktubre 17 ay nagkayayaang magswimming ang biktima at kaibigan sa Sitio Pisang River, Brgy. San Jose Patag ng naturang bayan.

Sa hindi inaasahan, nang lumusong ang biktima ay napadpad sa malalim na parte ng ilog hanggang sa malunod.

Agad ipinaalam sa mga opisyal ng barangay ang nangyari na humingi ng saklolo sa Santa Maria rescue team para magsagawa ng rescue/retrieval operation subalit hindi nila ito natagpuan ng araw na iyon.

Sinasabing kinabukasan, bandang 12:30 ng tanghali ay natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here