Home NATIONWIDE Chavit Singson, umatras sa pagka-Senador

Chavit Singson, umatras sa pagka-Senador

(c) Cesar Morales

ILOCOS SUR-Nagpahayag na ng pag-atras sa kanyang kandidatura sa pagka-Senador sa darating na local and national elections si dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson dahil sa health concern.

Ang kanyang pag-atras ay inianunsyo niya nang siya ay magtalumpati sa ginanap na launching ng VBank sa Mall of Asia.

Ayon kay Singson, hindi na niya itutuloy ang kanyang kandidatura sa Senado dahil kahit ipilit niya ay kalusugan naman niya ang magdurusa.

Bagama’t patuloy siyang sumasailalim sa gamutan dahil sa kanyang pneumonia, kailangan pa rin umano ng dating Governor ang magpahinga.

Sinabi ni Singson na kahit hindi na siya kasali sa kampanya, tuloy pa rin ang pangako niyang electric vehicles sa mga transport groups.

Maraming taga-suporta ni Chavit Singson ang nalungkot sa balitang ito. Rolando S. Gamoso