RIZAL, Philippines – Sinimulan ngayon ang pinaigting na seguridad para sa Special Election sa 2nd District ng Antipolo City, personal na nagsagawa ng inspection sa COMELEC Checkpoint sina PCOL Eleazar R Barber Jr., Provincial Director ng Rizal PPO, at Atty. Arnulfo H Pioquinto, Provincial Election Supervisor.
Layunin ng inspeksyon na tiyakin ang maayos na implementasyon ng mga alituntunin ng COMELEC, partikular ang pagpapatupad ng election gun ban at iba pang kaugnay na batas upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong panahon ng halalan.
Sa naturang aktibidad, sinuri ang kahandaan ng mga nakatalagang kapulisan, ang tamang pagsasagawa ng checkpoint procedures, at ang pagiging propesyonal sa pakikitungo sa mga motorista at mamamayan.
Ang hakbang na ito ay nagsisilbing opisyal na pagsisimula ng mahigpit at mas pinaigting na seguridad upang matiyak na ang Special Election sa 2nd District ng Antipolo ay maisasagawa nang ligtas, maayos, at walang pangamba ang bawat botante. (Maritess Pumaras)