Home METRO 2 mambabatas sangkot sa ismagel yosi sa Luzon, nakipag-ugnayan kay Remulla

2 mambabatas sangkot sa ismagel yosi sa Luzon, nakipag-ugnayan kay Remulla

170
0

MANILA, Philippines – Nakipag-ugnayan umano kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang dalawang kongresista mula Central Luzon na naunang itinag bilang konektado sa ilegal na kalakalan ng sigarilyo.

Noong nakaraang Enero, tinukoy ni Remulla ang dalawang mambabatas matapos madiskubre ang umano’y ilegal na cigarette factory sa Mexico, Pampanga na pinatatakbo ng anim na Tsino.

Sa press briefing sa Quezon City, sinabi ni Remulla: “We’re finalizing the money trail. We’re finalizing the lead chart. But, they reached out to me.” Dagdag pa niya, “They wanted to talk to me. Through their friends, they approached me.”

Linaw ni Remulla na ang mga kongresistang ito ay hindi mula sa Northern Luzon kundi mula sa Central Luzon.

Tinanong kung inalok ba siya ng suhol, negatibo ang sagot ni Remulla. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here