Home HOME BANNER STORY Revilla humarap sa DOJ; counter-affidavit sa kasong plunder, isinumite

Revilla humarap sa DOJ; counter-affidavit sa kasong plunder, isinumite

178
0

MANILA, Philippines – Nakasuot ng bullet proof vests, tshirt na dilaw at nakaposas si dating Senator Bong Revilla nang dumating sa Department of Justice (DOJ) upang humarap sa preliminary investigation sa kasong plunder kaugnay sa maanomalyang flood control projects nitong Huwebes Pebrero 12.

Ngayong araw nagsumite ng counter-affidavit sa kasong plunder si Revilla kasama ang kanyang lead counsel na si Francesca Senga kung saan halos kapareho lamang sa nauna nilang isinumite.

Subalit ang ipinagtaka ng kampo ni Revilla ay nang maghayag ang tatlong co-respondents na hindi na magsusumite ng sagot matapos ma-discharge sa ilalim ng Witness Protection Program.

Ito ay sina dating DPWH Usec. Roberto Bernardo Gerard Opulencia at Engr. Henry Alcantara.

Nang hingan ng mamamahayag ng mensahe si Revilla, sinabi na “Hindi ko alam kung paano nakakatulog yung mga nag-aakusa sakin.”

Sinabi ni Senga na sa apat na respondents, tatlo ang nasa WPP habang isa na lang ang matitira.

Aniya nakapagtataka ang nangyari. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here