Home METRO Checkpoint ops aayusin ng PNP sa diskriminasyon sa mga rider

Checkpoint ops aayusin ng PNP sa diskriminasyon sa mga rider

MANILA, Philippines – TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes na babaguhin nito ang kanilang diskarte sa pagsasagawa ng checkpoint operations sa gitna ng diumano’y diskriminasyon laban sa mga motorcycle riders.

“Ito po kasi naging stigma ‘yung dati na riding-in-tandem. So kaya po nagiging ano kasi wala naman pong riding-in-tandem in vehicles e. So ito po yung nangyari,” ayon kay PNP chief Police General Rommel Marbil sa ambush interbyu sa shootfest sa Camp Karingal.

“Ngunit kailangan nating baguhin ito. Sabi ko wala naman po masyadong riding-in-tandem na reports natin so we have to change po how we conduct ‘yung checkpoints. Makakaasa po kayo na babaguhin po namin,” dagdag pa nito.

Ginawa niya ang pahayag matapos sabihin ni 1-Rider Party-list Representative Bonifacio Bosita na sisimulan ng PNP ang pagpapatupad ng “appropriate and fair” checkpoint operations habang nagbahagi siya ng kopya ng PNP memorandum sa usapin.

“Naglabas na ng Memorandum ang liderato ng PNP kahapon, 22 June 2024. Mahigpit na nilang ipatutupad sa buong bansa ang ‘tama at patas’ na PNP Checkpoint Operations sa mga motorista,” sinabi nito sa Facebook post.

“Naglabas ng Memorandum ang pamunuan ng PNP kahapon, June 22, 2024. Mahigpit nilang ipatutupad ang ‘tama at patas’ PNP Checkpoint Operations para sa mga motorista sa buong bansa.

“Tulungan natin ang PNP, mag-video at mag-picture tayo ng Checkpoint/s kapag “motorsiklo lamang ang sinisita at hinuhuli ng kanilang kawani,” at ipadala ninyo sa amin para sa kaukulang aksyon,” dagdag pa nito.

Batay sa PNP Directorate for Operations’ Memorandum, ang mga awtoridad ay magsasagawa ng checkpoint operations sa “lahat ng uri ng sasakyan.” Santi Celario