Home NATIONWIDE Checkpoints sa Metro Manila vs ASF, avian influenza aprub sa DA

Checkpoints sa Metro Manila vs ASF, avian influenza aprub sa DA

MANILA, Philippines – Pumayag na ang Department of Agriculture na maglatag ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng mga livestock, poultry, at meat industry inspection sites sa Metro Manila at mga karatig-lugar.

Ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa hayop.

Sa ilalim ng Administrative Circular No. 10, inatasan ang BAI na makipag-ugnayan sa local government officials sa pamamagitan ng National Veterinary Quarantine Services Division sa paglatag ng quarantine checkpoints upang matukoy ang mga kaso ng sakit gaya ng African Swine Fever (ASF) o avian influenza.

“These inspection sites should serve as a defensive wall against the spread of animal diseases that threaten not only the local livestock and poultry industries but also public health and food security,” sinabi ni DA Secretary Francisco Laurel nitong Miyerkules, Nobyembre 20.

Binanggit ng DA na matapos maperwisyo ang hog industry sa kauna-unahang ASF outbreak noong 2019, muling nakapagtala ng mga kaso ng sakit sa Region 4-A.

Sa datos ng BAI, hanggang noong Nobyembre 8 ay naitala sa Batangas ang pinakamaraming bilang ng mga apektadong barangay na may 66 reported barangays.

Mayroon namang 144 affected barangays sa North Cotabato sa Region.

Patuloy din na banta sa local poultry industry ang avian influenza. Sa datos noong Nobyembre 15 ng BAI, nakita na 134 barangay ang apektado mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Region 3, at Region 4A.

“Given the severe economic impact on the livestock and poultry industries of bird, ASF and other diseases, it’s crucial to implement stringent disease management protocols and strategies to control their spread,” dagdag ni Laurel.

Inaasahan ang BAI na susuriin nito ang “potential missing links” sa mga checkpoint upang masiguro ang mahigpit na border controls. RNT/JGC