Home ENTERTAINMENT Ariel, napagkamalang tatay ni Gelli!

Ariel, napagkamalang tatay ni Gelli!

Manila, Philippines- Katanungang nanghihingi ng kasagutan–what’ Gelli de Belen’s secret to youthful beauty?

Marami kasi ang nagtataka kung bakit tila “bampira” si Gelli.

Ginagamit ang terminong bampira sa isang taong hindi tumatanda ang hitsura kahit nadadagdagan ang edad nito.

Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda with her husband Ariel Rivera, naitanong sa aktres kung ano ang kanyang lihim sa likod ng pagiging mukhang bata.

Sa katunayan nga’y may “resibo” pa that not only does Gelli look young despite her age kundi mas mukhang mas matanda pa raw si Ariel kesa sa kanya.

Simple lang ang paliwanag ni Gelli–it’s how she approaches life.

Hindi raw kasi siya ang tipo who’d brood over her problems.

Hinaharap daw niya ang mga ‘yon head-on but Gelli doesn’t allow them to pull or weigh her down.

No wonder nga, as years go by, sa halip na lumitaw ang signs of old age kay Gelli ay mas bata pa itong tingnan.

It may sound flattering to Gelli, pero ganoon din ba kay Ariel?

Hindi ba na-offend ang singer-actor na sa dalawang pagbabakasyon nila sa Canada ay nagkamali ng pag-aakala ang ilang tao roon?

At one point kasi, napagkamalang tatay ni Gelli si Ariel.

May isa ring instance where Ariel was mistaken for his wife’s bodyguard.

In short, Ariel looks older than Gelli para sa ibang tao!

Hindi naman siguro ikinao-offend ni Ariel ang obserbasyong ‘yon, bagkus proud pa siya sa pagkakaroon ng misis na maalaga sa kanyang katawan. Ronnie Carrasco III