MANILA, Philippines – Naghain ng panukala ang mga lider ng House Quad Committee para sa pagpapabilis sa kanselasyon ng mga birth certificate ng mga dayuhang nakakuha nito, kabilang ang mga sangkot sa illegal drug operations at iba pang criminal activities na may kaugnayan sa illegal Philippine Offshore Gaming Operations.
Ang House Bill 1117, o proposed “Fraudulent Birth Certificate Cancellation Law,” lilikha ng Special Committee on Cancellation of Birth Certificates, na may kapangyarihang mag-imbestiga ng mga reklamo, mag-subpoena ng ebidensya, at mag-isyu ng desisyon kaugnay sa fraudulent birth certificates.
Ang desisyon ay ilalabas sa loob ng 30 araw mula sa pagkatanggap ng Committee Secretariat report sa mga ebidensyang ibinigay ng mga Partido.
“Unfortunately, even if our government agencies have already accumulated substantial evidence clearly showing that a foreign national has obtained a birth certificate through fraudulent means, the cancellation of the birth certificate still requires a judicial order. As such, these foreign nationals shall remain innocent until proven guilty by courts- a result that will take years before it is attained,” saad ng mga may-akda sa kanilang explanatory note.
Nauna nang sinabi ng Quad Comm leaders na ang ‘fraudulently acquired Filipino citizenship’ ay nagbigay-daan sa ilang mga dayuhan para makabili ng ari-arian sa bansa na ginagamit naman sa mga illegal na aktibidad.
“Alam naman natin na for the last several years, maraming Chinese na naging Pilipino and dahil sa kanilang pagiging Pilipino, sila’y naka-acquire ng lupa, sila ay nakapag-organize ng mga korporasyon na 100% na kanilang pagmamay-ari and all these things were fraudulently done for reasons that are perhaps based on their self-interest,” paliwanag ni Quad Comm Lead Co-Chair Rep. Robert Ace Barbers.
“It then turns out that our laws enable these unscrupulous foreign nationals to continue damaging our businesses by taking away job opportunities from Filipinos, degrading our society by allowing them to stay in our country while committing crimes involving illegal drugs, money laundering, human trafficking, among others,” dagdag pa.
Sa ilalim ng panukala, ang reklamo ay maaaring ihain ng sinuman kabilang ang representatives ng law enforcement agencies, at magpasa ng patunay na illegal na nakuha ng isang dayuhan ang birth certificate.
Mayroong 15 araw ang dayuhan para tumugon sa reklamo.
Pangungunahan ang Komite ng Civil Registrar General ng Philippine Statistics Authority.
Magsisilbing miyembro naman ang mga representative mula sa Department of Foreign Affairs, Department of the Interior and Local Government, Department of Justice, at Office of the Solicitor General.
Pananagutin ng panukala ang mga public official at pribadong indibidwal na sangkot sa pagkuha ng mga pekeng birth certificate. RNT/JGC