Home ENTERTAINMENT Chemo ni Ate Gay, may sumagot na!

Chemo ni Ate Gay, may sumagot na!

306
0

Manila, Philippines – Tunay nga ang kasabihang “When it rains, it pours.”

Ganito nga ang ipinaranas sa maysakit na si Ate Gay o Gil Aducal Morales sa tunay na buhay.

The standup comedian was recently diagnosed with Stage 4 cancer.

Ayon sa doktor na tumingin sa kanya, “incurable” daw ang kanyang karamdaman at baka hindi na raw abutin ng 2026.

But a believer of miracles, buo ang paniniwala ni Ate Gay na walang imposible sa Panginoon.

Hindi nga rin niya inakala ang pagbuhos ng tulong at panalangin para sa kanyang paggaling.

Isa na rito ay ang anonymous donor ng kanyang medical procedure.

Ito’y ang libreng radiation at chemotherapy sa Asian Hospital and Medical Center.

Sasailalim nito si Ate Gay sa loob ng isang buwan nang tuluy-tuloy.

Hindi na rin siya magpapahanap ng condo unit o apartment malapit s ospital dahil may libre na rin siyang matutuluyan pansamantala.

Ito’y sa Ananda Condominium sa Zapote, Alabang kung saan ang may-ari ay nasa Amerika.

Abut-abot ang pasasalamat ni Ate Gay sa aniya’y mga “anghel” sa buhay niya.

Pagaling ka, Ate Gay! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here