Home ENTERTAINMENT Sunshine, pinagkakakitaan ng fake news peddlers!

Sunshine, pinagkakakitaan ng fake news peddlers!

278
0
Itinaas ni PAMILYA KO partylist #150 supporter Ms. Sunshine Cruz ang kamay nina nominees Atty. Anel Diaz at Miguel "Migz" Kallos sa kick off rally nito sa Tanay, Rizal

Manila, Philippines – For the nth time, nananawagan si Sunshine Cruz na huwag magpapaniwala sa lumalaganap na fake news sa social media.

Partikular na tinukoy ng aktres na lukang-luka na siya sa Facebook at YouTube na ginagawa siyang palabigasan.

Everytime daw kasi kini-click ang mga ito’y pumapatak ang metro ng mga nagkakalat nito.

Dahil monetized nga naman, pinagkakakitaan siya.

Hinampo ni Sunshine: “Weeks ago, kumalat na buntis daw ako, nakulong at naospital. Ngayon, pati mga anak ko, eh, idinamay nila…buntis din daw!”

Tatlong anak na babae ang meron si Sunshine kay Cesar Montano.

Pero sa halip na may gawing ligal na hakbang ang aktres ay nakikiusap siya sa mga netizens na i-report ang mga ito pag nakatisod sila sa internet.

“Surprisingly, may mga taong naniniwala!” himutok ni Sunshine as she enjoins the netizens to be more discerning. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here