Home NATIONWIDE ‘Chicken toys’ na may disposable syringe ibinabala sa publiko

‘Chicken toys’ na may disposable syringe ibinabala sa publiko

MANILA, Philippines – Nagbabala ang EcoWaste Coalition sa mga bata at magulang laban sa laban sa ‘chicken toy’ na may kasamang disposable syringe.

Sa isang news release, sinabi ng EcoWaste Coalition na ang laruan ay mapanganib, lalo na kung nilalaro nang walang pangangasiwa ng matatanda.

Ibinibenta ng mga wholesaler ang laruan sa halagang P150 kada pakete ng 20 units. Ito ay ibinebenta sa halagangP10 bawat isa, kaya abot-kaya ito sa mga bata. Ito ay walang label, tagubilin sa paggamit, babala na pahayag, at iba pang impormasyong kinakailangan sa ilalim ng Republic Act No. 10620 o ang Toy and Game Safety Labeling Act.

Idinagdag pa ng grupo na ang maling paggamit ng injection needle ay maaaring mabutas ang balat, masugatan ang mga mata o magdulot ng mga hiwa at graze.

Sinabi ng grupo na dapat suriin ng magulang o guardian ang mga label ng produkto kabilang ang age suggestion ,warnings, instructions, at license to operate number na inisyu ng Food and Drug Administration.

Nagpaalala rin ang EcoWaste Coalition laban sa mga laruang maliliit o maaaring masira sa maliliit na bahagi upang maiwasang mabulunan; gawa sa polyvinyl chloride (PVC) na plastik at mabibigat na metal tulad ng cadmium at lead, at phthalates; may matulis na mga gilid na maaaring makasugat o makahiwa sa sensitibong balat ng isang bata; may mahahabang lubid o mas mahahabang tali na maaaring makasakal; lumikha ng labis na ingay, nakakapinsala sa sensitibong pandinig ng bata; magdulot ng pagsalakay at karahasan tulad ng laruang baril, laruang kutsilyo at iba pang laruang armas. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)