Home NATIONWIDE Chief of staff ni Padilla kinumpirmang nagbitiw bago impeachment trial

Chief of staff ni Padilla kinumpirmang nagbitiw bago impeachment trial

1
0

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Rudolf Philip Jurado na nagbitiw siya bilang chief of staff ni Senator Robin Padilla bago nagsimula ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Jurado, isinumite niya ang kanyang resignation noong Hunyo 22, ilang linggo bago nagsimula ang impeachment proceedings noong Hulyo 6.

“My resignation was duly accepted by Senator Padilla, and my separation from the Office takes effect at the close of office hours on 31 July 2026,” pahayag ni Jurado sa isang statement na ipinadala sa Inquirer.

Sinabi rin niyang naka-approved leave of absence siya mula nang isumite ang kanyang resignation.

Naglabas ng pahayag si Jurado matapos kumalat online ang mga ulat na umano’y nagbitiw siya dahil nalalampasan siya ng ibang miyembro ng staff ni Padilla.

Hindi niya binanggit ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.

Sinabi naman ni Padilla noong Lunes na si Jurado “has been sick for a long time.” Inilarawan din ng senador ang dating aide bilang kanyang “best friend” at sinabing mayroon itong uncontrolled high blood pressure. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here