Home HOME BANNER STORY Article 1 ng impeachment case vs VP Sara, tatalakayin na

Article 1 ng impeachment case vs VP Sara, tatalakayin na

1
0

MANILA, Philippines — Ipagpapatuloy ng prosekusyon ang pagpresenta ng ebidensya sa ilalim ng Article 1 ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte matapos tanggihan ng depensa ang panukalang baguhin ang pagkakasunod-sunod ng presentasyon.

Ang Article 1 ng impeachment case vs VP Sara ay tumutukoy sa umano’y maling paggamit ng ₱612 million sa confidential funds.

Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na ipinaalam ng depensa sa impeachment court na nais nitong panatilihin ang prosesong napagkasunduan sa pre-trial order dahil sa usapin ng fairness at sapat na panahon para makapaghanda.

“Magtutuloy yung prosecution sa Article 1 dahil nakakuha kami ng sulat kahapon na hindi po pumapayag yung depensa na ayusin yung flow ng impeachment…Una, sinasabi nila na pag-usapan na ito sa pre-trial order. At pangalawa, fairness and fair play dahil nga kailangan nilang oras para magprepara at gusto nilang marinig muna yung prosecution ilatag lahat ng kanilang argumento. ‘Yan ang dalawang dahilan kung bakit hindi sila pumayag,” ani Gatchalian sa isang radio interview.

Aniya, maaari sanang magpasya ang impeachment court sa usapin ngunit binigyan muna ang magkabilang panig ng pagkakataong magkasundo upang mapairal ang fairness at due process.

“To be honest, pwede naman ‘yung impeachment court mag-decide. Pero gusto natin maging patas at mag-agree ‘yung dalawang panig dahil gusto nating pairalin dito yung fairness, due process at gusto natin na maayos yung paglalatag ng impeachment trial,” aniya.

Nakatakdang iharap ng prosekusyon ang dalawang dating branch manager ng Land Bank of the Philippines na magpapatunay tungkol sa pag-disburse ng tinatayang P612 milyon na confidential funds na umano’y maling nagamit ni Duterte noong siya ay kalihim ng edukasyon.

Magpapatuloy ang paglilitis mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon nitong Miyerkules, bago ang regular session ng Senado sa alas-4 ng hapon.

Hinimok ni Gatchalian ang magkabilang panig at mga senator-judge na pabilisin ang pagtatanong upang matapos ang testimonya ng dalawang saksi sa loob ng limang oras.

“We hope matapos today yung dalawa [witnesses] para makausad tayo kaagad,” sinabi niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here