Home METRO Chief tanod huli sa ‘di lisensyadong baril

Chief tanod huli sa ‘di lisensyadong baril

CEBU CITY – Arestado ang isang 69-anyos na lider ng mga tanod matapos matagpuan ng mga pulis ang mga hindi lisensyadong baril sa kanyang tahanan sa Barangay Maslog, Danao City, hilagang Cebu.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Allan Rom na nahulihan ng mga hindi lisensyadong baril sa kanyang tahanan na sinalakay ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Mandaue City Field Unit bago mag-alas-6 ng umaga noong Miyerkules, Enero 31.

Narekober sa bahay ni Rom ang isang .45 caliber pistol, isang Aresca Japanese rifle, at mga bala.

Sinabi ni Police Capt. Nigel Sanoy na bago ang raid, nakatanggap sila ng mga ulat na ilang beses na umano ng baril ang tanod na nagdulot ng takot sa paligid.

Ang pagsalakay ay bahagi ng “Oplan: Paglalansag Omega” ng CIDG na humahabol sa mga indibidwal na nagtataglay ng mga hindi lisensyadong baril. Santi Celario