Home NATIONWIDE Chikiting Ligtas, pinalawig ng DOH

Chikiting Ligtas, pinalawig ng DOH

MANILA, Philippines – Pinalawig ng Department of Health (DOH) ang kanilang nationwide immunization drive laban sa tigdas, rubella, at polio hanggang Hunyo 15.

Tinawag na “Chikiting Ligtas” ang pagbabakuna ng DOH na layong wakasan ang highly transmissible na sakit ngunit vaccine-preventable tulad ng tigdas, rubella, and polio.

Inilunsad ang Chikiting Ligtas 2023 noong Abril 27. Ang kampanya ay dapat sanang matatapos noong Mayo 31 ngunit pinalawig pa ng 15 araw o hanggang Hunyo 15.

Noong Mayo 30, kabuuang 7,541,867 bata o 77.72 percent ng eligible population ang nabakunahan laban sa tigdas habang 2,188,891 bata o 67.87 percent ng target ang nabakunahan laban sa polio.

Bukod sa mga ito, sinabi ng DOH na nakapagbigay na rin sila ng vitamin A supplements sa kabuuang 3,600,773 bata. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article7 arestado sa P4.1M smuggled cigarettes sa Zamboanga
Next articlePerson of interest sa pagpatay sa Mindoro broadcaster, tukoy na – PNP