Home HOME BANNER STORY Person of interest sa pagpatay sa Mindoro broadcaster, tukoy na – PNP

Person of interest sa pagpatay sa Mindoro broadcaster, tukoy na – PNP

MANILA, Philippines – Tukoy na ng mga imbestigador ang person of interest sa pagpatay sa isang radio broadcaster sa Oriental Mindoro.

Nitong Miyerkules, Mayo 31 ay binaril-patay si Cresenciano Bunduquin, 50, ng mga gunmen na sakay ng motorsiklo sa Calapan City.

Namatay ang isa sa mga suspek nang banggain ng sasakyang minamaneho ng anak ni Bunduquin ang mga tumakas na gunmen.

Nakatakas naman ang natitirang suspek.

“Sa ating mga nakuhang ebidensya, mayroon po tayong positive na person of interest na na-indentify. Mamaya po, kukuhanan namin ng salaysay iyong dalawang witness,” ayon kay Oriental Mindoro Provincial police chief Col. Samuel Delorino.

“Kung ito ay maikukumpirma niya na iyon talaga, positive na masasabi natin na maso-solve natin iyong kaso natin at maifa-file natin sa madaling panahon,” pagbabahagi pa ni Delorino sa panayam ng TeleRadyo.

Si Bunduquin ay may programa sa 101.7 DWXR ayon sa station manager nito na si Jester Joaquin, na ang target umano ng napaslang na mamamahayag ay ang mga matitinding isyu sa probinsya.

Kabilang sa mga isyu ng mamamahayag kamakailan sa kanyang programa ay ang oil spill sa probinsya, illegal gambling at politika.

“He told me before that he’s receiving threats but he didn’t elaborate,” ayon kay Joaquin.

“He mentioned to me that he wanted a change in his line of work, that’s why he put up a chicken farm, because he wants to go quiet.”

“Lahat po ay iniimbestigahan natin at kapag nasuri po iyong mga cellphone ng biktima at suspek, magkakaroon tayo ng isang magandang analysis kung ano talaga ang motibo ng pagkakapaslang sa kanya,” pagpapatuloy nito.

Si Bunduquin na ang ikatlong mamamahayag na napaslang mula nang mamuno si Pangulong Ferdinand Marcos noong Hunyo 2022.

“Bunduquin’s killing further shows that journalists in the Philippines still operate under threat despite our improvement in the press freedom index and the relatively friendlier relations that media has with the current administration,” sinabi naman ni Jonathan de Santos, chairman ng National Union of Journalists of the Philippines.

“When perpetrators of attacks on media are not held to account and victims of these attacks do not get justice, future attacks become more likely.” RNT/JGC

Previous articleChikiting Ligtas, pinalawig ng DOH
Next articleOFW bibigyang-prayoridad sa plastic driver’s license card – LTO