Home METRO Child labor sa pangingisda, aquaculture target ng DOLE maubos sa 2028

Child labor sa pangingisda, aquaculture target ng DOLE maubos sa 2028

340
0

MANILA, Philippines – Itinutulak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtanggal ng child labor sa sektor ng pangingisda at aquaculture sa bansa pagsapit ng 2028 bilang bahagi ng pagsisikap nitong itaguyod ang mga pamantayan sa paggawa at palakasin ang proteksyong panlipunan sa industriya.

Sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na ang departamento, sa pamamagitan ng National Council Against Child Labor, ay nakikipag-ugnayan sa mga local government units at civil society partners upang wakasan ang child labor sa mga sektor na ito.

“We have a target of zero child labor by 2028, and we hope our partners will help us realize that goal,” ayon kay Laguesma.

Ipinaliwanag ng labor chief na ang inisyatiba ay naglalayong magpakilala ng mga reporma sa aquaculture—lalo na sa hipon at seaweed industries—na mahalaga sa food security at may malakas na potensyal na pag-export sa gitna ng lumalaking pangangailangan sa mundo.

Batay sa isang pag-aaral ng International Labor Organization (ILO), nananatiling impormal ang sektor ng aquaculture, nahaharap sa mga gaps sa mga pamantayan sa paggawa, kaligtasan sa trabaho, proteksyon sa lipunan, at partisipasyon ng mga manggagawa sa mga mekanismo ng social dialogue.

Ayon kay Laguesma, bumababa ang bilang ng mga child laborers sa sektor sa pamamagitan ng coordinated interventions ng mga ahensya tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Justice (DOJ).

Nagpahayag din si Laguesma ng pagkabahala sa pagbaba ng interes ng mga manggagawa sa aquaculture at mga kaugnay na industriya, na sinasabing ang mga ito ay kadalasang nakikita bilang mga trabahong mababa ang kita at mababa ang kasanayan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here