Home HOME BANNER STORY China embassy sinugod ng mga raliyista sa Araw ng Kalayaan

China embassy sinugod ng mga raliyista sa Araw ng Kalayaan

2
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng lightning rally ang mga miyembro ng iba’t ibang makabayang organisasyon sa harap ng Embahada ng Tsina sa Makati City ngayong Hunyo 12, kasabay ng paggunita sa ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Kinondena ng mga nagprotesta ang umano’y patuloy na panghihimasok, panliligalig, at mga aktibidad ng konstruksyon ng China sa West Philippine Sea, partikular sa Bajo de Masinloc na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Nagpahayag din sila ng suporta sa pagtatanggol sa pambansang soberanya at integridad ng teritoryo sa gitna ng umiiral na tensyon sa karagatan. Bahagi ng programa ang pag-awit ng Pambansang Awit at pagdadala ng mga plakard na nananawagan para sa pangangalaga ng yamang-dagat at karapatan ng bansa. | Eric Ocapan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here