Home METRO 2-anyos natagpuang patay sa hukay na gagawing septic tank sa Ormoc

2-anyos natagpuang patay sa hukay na gagawing septic tank sa Ormoc

1
0

ORMOC CITY, Leyte — Patay nang natagpuan ang isang dalawang-taong-gulang na babae sa isang hukay na puno ng tubig sa likod ng kanilang bahay sa Barangay Guintigui-an, Ormoc City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, umalis nang maaga ang ina ng bata upang bumili ng mga gamit para sa paaralan at iniwan ang anak sa pangangalaga ng kanyang hipag.

Pagbalik ng ina sa bahay ay nawawala na ang bata. Agad siyang hinanap ng mga kapamilya at kalaunan ay natagpuang palutang-lutang sa tubig sa isang hukay sa likod ng kanilang bahay.

Ayon sa mga awtoridad, ginawa ang hukay upang gawing septic tank.

Hindi agad naiulat ng pamilya sa pulisya ang insidente dahil naniwala silang aksidente lamang ang nangyari.

Sinabi ni Police Capt. Ramil Caldona, officer-in-charge ng Ormoc City Police Station 2, na lumabas sa paunang imbestigasyon na abala sa paglalaba ang hipag ng ina kaya hindi nito napansin na nakalabas na pala at nawawala ang bata. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here