Home NATIONWIDE China, France naglunsad ng satellite sa pag-unawa sa kalawakan

China, France naglunsad ng satellite sa pag-unawa sa kalawakan

151
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ang French-Chinese satellite nitong Sabado, Hunyo 22 para galugarin at magkaroon ng mas malawak na kaunawaan sa kalawakan.

Ang naturang satellite ay binuo ng mga engineer ng dalawang bansa.

Ito ay ang Space Variable Objects Monitor (SVOM) na maghahanap ng gamma-ray bursts, o liwanag na bumibiyahe ng bilyon-bilyong light years para makarating sa Earth.

Ang 930-kilogram satellite na may taglay na apat na instruments, dalawang French at dalawang Chinese, ay lumipad bandang alas-3 ng hapon sakay ng Chinese Long March 2-C rocket mula sa space base sa Xichang, Sichuan.

Ang gamma-ray bursts ay kadalasang nangyayari matapos ang pagsabog ng isang malaking bituin. Ang mga ito ay nasa 20 beses higit na malaki kaysa sa araw.

Ayon kay Ore Gottlieb, isang astrophysicist mula sa Flatiron Institute – Center for Astrophysics sa New York, ang pagmamasid dito ay katulad ng “looking back in time, as the light from these objects takes a long time to reach us.”

“SVOM has the potential to unravel several mysteries in the field of (gamma-ray bursts), including detecting the most distant GRBs in the universe, which correspond to the earliest GRBs,” dagdag pa ni Gottlieb.

Sa kasalukuyan, ang pinakamalayong burst na natukoy ay ang pagsabog na nangyari 630 milyong taon matapos ang Big Bang, o kung kalian nagsimula ng kalawakan.

“We are… interested in gamma-ray bursts for their own sake, because they are very extreme cosmic explosions which allow us to better understand the death of certain stars,” ayon kay Frederic Daigne, isang astrophysicist mula sa Institut d’Astrophysique de Paris.

“All of this data makes it possible to test the laws of physics with phenomena that are impossible to reproduce in the laboratory on Earth.”

Sa oras na ma-analyse, makatutulong ang datos upang maunawaan ang composition ng kalawakan.

Ang proyekto ay nag-ugat mula sa partnership sa pagitan ng French at Chinese space agencies maging ng iba pang scientific at technical groups sa dalawang bansa.

Hindi pangkaraniwan ang space cooperation sa ganitong lebel, lalo na matapos ng ban ng Estados Unidos sa lahat ng kolaborasyon ng NASA sa Beijing noong 2011. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here