TAIWAN – Naglabas ng panuntunan ang China sa pagpapataw ng criminal punishments sa mga diehard Taiwan independence separatist.
Kasabay nito ay nagbanta ang China na posibleng kaharapin ng mga ito ang maximum penalty na kamatayan o parusang bitay.
Ang judicial guidelines ay agad na umiral pagkalabas nito.
Sa naturang panuntunan batay sa Anti-Secession Law, ibinabala sa Criminal Law and the Criminal Procedure Law ang mas mabigat na parusa sa mga mapatutunayang guilty sa pakikipagsabwatan sa mga dayuhang organisasyon.
Ang panuntunan na ito ay inilabas ng Supreme People’s Court, Supreme People’s Procuratorate at ministries ng public security, state security at justice ng China.
Kinondena naman ng Mainland Affairs Council ng Taiwan ang guidelines at sinabing “it will only provoke confrontation” sa Taiwan Strait.
Sinabi rin ng konseho sa mga mamamayan ng Taiwan na hindi ito dapat matakot sa panuntunan dahil wala namang jurisdiction ang Beijing sa kanilang bansa.
Dahil dito ay nag-abiso ang Taiwan sa mga residente nito na pag-isipan munang mabuti ang pagbiyahe sa mainland China at dapat na mag-ingat din ang mga Taiwanese na naroon na sa nasabing bansa para sa kanilang seguridad. RNT/JGC