Home NATIONWIDE China research ship namataan sa Sabina Shoal – maritime security expert

China research ship namataan sa Sabina Shoal – maritime security expert

MANILA, Philippines – Namataan ang isang Chinese research vessel sa labas ng Sabina Shoal sa West Philippine Sea, ayon kay American maritime security expert Ray Powell.

Sa kanyang post sa X, sinabi ni Powell na ang Chinese research vessel Ke Xue San Hao ay nagsu-survey sa mga lugar sa timog at silangan ng Sabina Shoal, o kilala bilang Escoda Shoal mula pa noong Hulyo 25 at matatagpuan 40 nautical miles mula sa Palawan nitong Biyernes, Agosto 2.

Ani Powell, mayroon pang ibang maritime features sa lugar katulad ng First Thomas Shoal, Half Moon Shoal, at Boxall Reef.

Minomonitor naman ng Philippine Coast Guard ang galaw ng naturang research ship.

Wala pang tugon ang Armed Forces of the Philippines kaugnay nito. RNT/JGC