MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Coast Guard ang pagkakarekober ng pinaghihinalaang rocket debris na may markang Chinese sa karagatan ng Pangutaran, Sulu.
Natagpuan ito ng isang lokal na mangingisda malapit sa Barangay Suang Bunah noong Disyembre 30, 2025, at ini-turn over sa mga opisyal ng barangay.
Nanatili ang debris sa kustodiya ng barangay habang nakikipag-ugnayan ang PCG para sa maayos na paghawak nito.
Hindi pa tukoy ang pinagmulan at eksaktong kalikasan ng debris.
Nagpahayag ang PCG na maging alerto ang mga komunidad sa baybayin at agad na i-report ang mga kahina-hinalang bagay, at binalaan ang publiko na maaaring mapanganib ang rocket debris dahil sa toxic substances.
Hindi pa rin matukoy kung konektado ito sa kamakailang Long March 7A rocket launch ng China. RNT