MANILA, Philippines – Narekober ng mga awtoridad ang tinatayang P7 milyon na halaga ng party drugs sa Clark Freeport Zone sa isang joint interdiction operation.
Natuklasan ng Bureau of Customs ang 4,124 tabletang pinaghihinalaang Ecstasy na nakatago sa mga parsela na nakasaad na automotive accessories.
Ang unang parsela ay may 2,693 purple tablets na nagkakahalaga ng P4.59 milyon, habang ang pangalawa ay may 1,431 tablets na tinatayang P2.45 milyon.
Ang mga parsela ay nagmula sa Austria at patungong Davao City.
Lahat ng nakuhang gamit ay naitala, muling naselyohan, at inilagay sa custodial control para sa laboratory testing at case build-up. RNT