Home HOME BANNER STORY Chinese envoy ipinatawag ng DFA: China ‘baseline’ sa Scarborough “not binding on...

Chinese envoy ipinatawag ng DFA: China ‘baseline’ sa Scarborough “not binding on the Philippines”

MANILA, Philippines – IPINATAWAG ng Department of Foreign Affairs (DFA), araw ng Miyerkules si Chinese Ambassador Huang Xilian para ihatid ang protesta ng bansa sa ginawa ng Tsina na ‘drawing of baselines’ sa paligid ng Bajo de Masinloc, mas kilala bilang Scarborough Shoal.

Muling inulit ni Foreign Affairs Spokesperson Ma. Teresita Daza na ang nasabing baselines, na inanunsyo ng Tsina noong Nov. 10, ay “not binding on the Philippines”.

“The said baselines infringe upon Philippine sovereignty and contravene international law, particularly the 1982 UN Convention on the Law of the Sea and the 2016 Arbitral Award. The said baselines have no legal basis and are not binding on the Philippines,” ang sinabi ni Daza.

Sa hiwalay na kalatas, tinuran naman ng Chinese Embassy sa Maynila na sinabi ni Huang sa ahensiya na ang Beijing ay gagawa ng kaukulang hakbang upang tiyakin na mase-secure nito ang kanilang claim sa ‘atoll’ o karang.

Sa ulat, inilatag ng Tsina ang sovereignty claims sa nasabing ‘feature’ na matatagpuan sa loob ng 200-nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ang ‘feature’ ay 472 nautical miles ang layo mula sa pinakamalapit na baybayin ng Tsina. Kris Jose