Home HOME BANNER STORY Chinese firms i-ban sa gov’t projects – Zubiri

Chinese firms i-ban sa gov’t projects – Zubiri

340
0

MANILA, Philippines – Matapos ang patuloy na panggigipit ng China sa West Philippine Sea, nagpasa ng resolusyon ang Senado sa pamamagitan ng pag-boycott sa Chinese firms.

Sa ulat, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maaaring magsimula ang pamahalaan sa pagbabawal sa Chinese companies na makibahagi sa state-funded projects.

“For example projects of the DPWH, projects of the DOTr at ang kagandahan nito ay kausap ko na kanina, nagmeeting po kami ni Secretary Jimmy Bautista, ang sabi niya po, wala nang major projects na hawak ng Chinese-owned lalo na state-owned corporations na mga projects sa DOTr, so welcome sign yan,” ani Zubiri.

Aniya, ang proyekto ay ibigay na lamang sa ibang bansa na may parehong pananaw sa isyu sa West Philippine Sea.

Sinabi rin ni Zubiri na plano niyang banggitin ang proposal na ito sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang hindi na isaprayoridad ang Chinese-owned companies sa construction projects ng pamahalaan.

“Nitong budget hearing, babanggitin ko ‘yan sa lahat ng mga ahensya na meron pong infrastructure projects and programs, ay talagang aapela ako sa kanila, na kung puwede gamitin po natin ang ibang bansa, huwag naman yung mga bansa na kaibigan natin, totoong kaibigan natin at hindi pong kunyaring kaibigan natin na talagang iba pala ang kanilang agenda,” dagdag ni Zubiri.

Sinabi ng senador na pwede ring simulan ng mga Filipino na i-boycott ang mga produkto mula China na ginawa na rin ng ibang bansa sa rehiyon.

Sa kabila nito, sinabi ng dating cabinet member at ekonomista na mahirap gawin ito.

“Not so easy because, as you said, many countries need imports from China. So kung tayo lang, walang ano, I don’t think it will have an effect. It will work if there are other countries that will join us, like the US. If the US joins us, then that will be a big dent in trade ng China,” sinabi ni Ernesto Pernia, former Director General ng National Economic Development Authority.

Noong nakaraang taon, pinanganalan na ang China ang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas na umaabot sa mahigit $39 billion o 18 percent ng total foreign trade ng Pilipinas.

Malaking bahagi ng imported goods na pumasok sa bansa noong nakaraang taon ay mula sa China, na umabot sa $28 billion o 20 percent ng total imports.

“Magsa-suffer tayo in terms of what we need from China. Unless we can import from other countries what we cannot import from China,” sinabi pa ni Pernia. RNT/JGC

Previous articleTINGNAN: Groundbreaking ceremony sa itatayong NavotaAs Homes 3
Next articlePrice hike nagbabadya sa higit 40 produkto – DTI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here