Home NATIONWIDE Price hike nagbabadya sa higit 40 produkto – DTI

Price hike nagbabadya sa higit 40 produkto – DTI

MANILA, Philippines – Ibinabala ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong 43 produkto mula sa 13 iba’t ibang manufacturer ang naghain ng petisyon para magtaas ng presyo.

Kasabay nito, siniguro naman ng DTI na patuloy pa ring babantayan ang lahat ng paggalaw ng presyo.

“’Di po namin basta tinatanggap ‘yung binibigay na information sa atin ng manufacturers. Meron po tayong sariling mekanismo para ma-verify natin ‘yan, pati po yung pag-increase ng packaging materials at yung transportation cost, at yung kanyang acquisition cost po for toll packing,” pahayag ni DTI Undersecretary Ruth Castelo.

Ang price hike petitions para sa food products ay mula 10 centavos hanggang P7, habang sa non-food naman ay mula P1.50 hanggang P9.75.

“Cost ng raw materials, kapag minsan imported pa ‘to. Ito pong mga dahilan, vineverify din ‘yan ng DTI,” ani Castelo.

Ayon sa DTI, nananatili namang pareho ang presyo ng mga produkto hangga’t maglabas ulit sila ng Suggested Retail Price o SRP bulletin.

Para sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity, ipinatutupad ang 60-day price freeze. RNT/JGC

Previous articleChinese firms i-ban sa gov’t projects – Zubiri
Next articlePhilSA, gov’t agencies tuminta ng kasunduan sa paggamit ng space tech