Home NATIONWIDE PhilSA, gov’t agencies tuminta ng kasunduan sa paggamit ng space tech

PhilSA, gov’t agencies tuminta ng kasunduan sa paggamit ng space tech

MANILA, Philippines – Tuminta ng kasunduan ang Philippine Space Agency (PhilSA) nitong Martes, Agosto 8, sa ilang ahensya ng pamahalaan upang maabot ang socio-economic development sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang space-related technologies katulad ng satellite images.

Ang paggamit ng space at satellite technology ay makatutulong na alamin ang climate hazards at makapagbigay sa pamahalaan ng “agile view”, bago, habang at pagkatapos ng kalamidad, sinabi ni PhilSA Director-General Joel Joseph Marciano.

Lumahok din sa kasunduan ang budget at science departments, maging ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Patunay na lamang ang tulong ng satellite images mula sa PhilSA na mabigyan ng ideya ang mga Filipino sa mga lugar na nalubog sa baha sa pananalasa ng bagyong Egay.

Natutukoy din ng satellite images ang mga pagbabago sa kalikasan na makaaapekto sa policy at decision-making. RNT/JGC