Home NATIONWIDE Chinese hospital ship idineploy sa Escoda Shoal

Chinese hospital ship idineploy sa Escoda Shoal

MANILA, Philippines- Nag-deploy ang China ng hospital ship malapit sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea kung saan nananatili ang BRP Teresa Magbanua, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Huwebes.

Ayon sa PCG, mayroong isang China Coast Guard vessel, 24 Chinese maritime militia vessels, isang Chinese rescue vessel, at apat na Vietnamese fishing vessel sa paligid ng Escoda Shoal.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, PCG’s spokesperson for the West Philippine Sea, na ang China ay nagde-deploy ng iba’t ibang uri ng sasakyang-dagat sa maritime features.

Napansin ni Tarriela na ang BRP Teresa Magbanua ay naka-deploy sa shoal dahil sa pagkakaroon ng mga durog na korales at ang umano’y small-scale reclamation doon.

Sa bahagi naman ng gobyerno ng Pilipinas at ng Task Force on West Philippine Sea, sinabi ni Tarriela na walang paglabag na ginagawa at ang kanilang deployment ng coast guard vessel ay upang maprotektahan lamang ang mga karapatan ng Pilipinas sa soberanya.

Noong Martes, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na may kabuuang 129 barko ang binabantayan sa West Philippine Sea features mula Agosto 13 hanggang 19.

Sinabi ng tagapagsalita ng militar na 18 coast guard, 13 navy, at 98 maritime militia ships ang nakita sa karagatan ng Pilipinas.

Mas marami ito sa 92 barko na naitala mula Agosto 6 hanggang 12. Jocelyn Tabangcura-Domenden