Home HOME BANNER STORY Chinese national kinidnap sa Angat river

Chinese national kinidnap sa Angat river

175
0

MANILA, Philippines – Dinukot ang isang Chinese national habang nangingisda sa Angat River sa Bustos, Bulacan nitong Linggo ng umaga, Oktubre 20.

Ayon sa ulat ng pulisya nitong Lunes, nakita umano ng mga saksi ang biktima na kasama ang iba pang Chinese nationals nang dukutin ito ng apat na hindi pa nakikilalang kalalakihan at isinakay sa sasakyan.

Tumakas ang mga dumukot patungo sa bypass road sa Barangay Bonga Menor.

Iniulat ng kanyang live-in partner ang insidente sa Bustos Municipal Police Station at sinabing nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang pinsan na nagdedemand ang mga dumukot ng $300,000 ransom money.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga suspek at masagip ang biktima. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here