Manila, Philippines – Some things are not just meant to be.
Wari’y tanggap na ni Senator Bong Revilla ang katotohanang malabo nang maisakatuparan ang dream movie na dapat sana’y pagsasamahan nila ng mga kapwa action stars.
Of the cast members kasi ng untitled movie, tanging si Coco Martin lang ang bagito sa larangan.
Coco is joined by Bong and fellow Senator Robin Padilla and real-life friend na si Phillip Salvador.
Nu’ng nakaraan lang ay maugong ang press release na matutuloy ang kanilang pagsasama.
In fact, inaayos lang daw ang schedule nilang apat na bida in the film supposedly to be directed by Brillante Mendoza.
Ayon mismo kay Bong, talagang malabo raw maihabol ‘yon sa ika-50 taon ng MMFF which is this December.
Aniya, bukod daw sa “OA” ang budget nito ay gahol na rin sa oras.
It doesn’t mean though that the project is totally shelved: “Maybe next time.”
Sa halip ay umaasa si Bong na mapipili ang sequel ng kanyang Alyas Pogi.
Dahil nga sa tagumpay ng MMFF 2023 ay maraming naengganyong film producer na lumahok. Ronnie Carrasco III