Home METRO Chinese national timbog sa shabu

Chinese national timbog sa shabu

MANILA, Philippines- Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Chinese National at nakumpiska mula sa kanya ang 11 transparent plastic sachets na aabot sa 10.2 gramo ng shabu.

Kinilala ang suspek na si Wang Kejun na kinasuhan ng paglabag sa republic Act (RA) No.9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Si Wang ay naaresto sa drug buy-bust operation na isinagawa noong Disyembre 5 ng NBI- National Capial Region katuwang ang NBI-Dangerous Drugs Division, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP).

Ayon sa NBI, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ang NBI-NCR ng impormasyon kaugnay sa isang alyas Tang na kalaunan ay kinilala bilang si Wang Kejun at kanyang kasabwat na sangkot sa pagbebenta at distribusyon ng shabu.

Matapos ang koordinasyon sa PDEA at PNP, isinagawa ang test-buy operation sa Makati City at kinumpirma na ang nasabing substance na binili kay Wang ay shabu. Jocelyn Tabangcura-Domenden