Home METRO Chinese nat’l na nahulihan ng hacking devices kinasuhan ng PNP

Chinese nat’l na nahulihan ng hacking devices kinasuhan ng PNP

MANILA, Philippines- Nagsampa ng kaso ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa Chinese national na nahulihan ng armas at hacking equipment sa Makati City.

“Sa ngayon ay kasalukuyan na for inquest proceedings yung ating arrested suspect sa Makati (Prosecutor’s Office), then yung finile nating complaint are yung Republic Act (RA) 10591, (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) then yung RA 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998) and then grave threat dahil yung complainant tinakot niya rin,” pahayag ni CIDG spokesperson Lt. Col. Imelda Reyes sa press briefing sa Camp Crame nitong Biyernes.

Sinabi niyang tumanggi ang suspek na si Yuhang Liu na maglabas ng pahayag subalit nagkomento ang kanyang abogado.

Nadakip si Liu sa Finlandia corner Codornico streets sa Barangay San Isidro, Makati nitong Miyerkules, sa pagresponde sa isang gun-toting complaint.

Sinabi ng complainant na pinilit siya ni Liu na maghatid ng unidentified communication hacking devices sa tahanan ng suspek.

Ilalagay umano ang equipment na ito sa vital installation upang i-hack ang international mobile equipment identity (IMEI) ng mobile phones.

Sa pagsisiyasat sa sasakyan ng suspek, nadisubre ng mga awtoridad ang ilang baril at mga bala, isang multi-band directional antenna system, battery units, isang solar inverter, radio receiver/transmitter, isang Huawei router, Apple tablet, mobile phones, at cash.

Natuklasan naman sa pagsalakay sa bahay ng suspek ang isang inverter unit, aerial drone, computer keyboard, CPU units, portable power supply hubs, ilang IDs, at cash.

Sinabi ni Reyes na humingi sila ng tulong sa National Telecommunications Commission upang matukoy kung anong uri ng devices na nasamsam mula sa suspek.

Sumangguni rin umano ito sa PNP Anti-Cybercrime Group upang imbestigahan kung paano ginamit ang devices.

“Maghihintay pa tayo ng resolution ng result ng pag-file natin We are also waiting for the results of the investigation by other agencies regarding these devices,” anang opisyal. RNT/SA