Home NATIONWIDE Chinese New Year holiday pay rules inilabas ng DOLE

Chinese New Year holiday pay rules inilabas ng DOLE

MANILA, Philippines – Naglabas ng pay rules nitong Miyerkules ang Department of Labor and Enployment (DOLE) para sa Chinese New Year holiday at ipinaalala sa employers ang tamang pasahod sa kanilang mga mangagagwa na papasok sa Enero 29.

Sa Labor Advisory No.1,sinabi ng DOLE na ang mga empleyado na papasok sa trabaho sa Enero 29 ay dapat bayaran ng mga sumusunod:

Kapag ang empleyado ay hindi magtatrabaho, ang ‘no work ,no pay’ na patakaran ay ilalapat lamang maliban kung may paborableng patakaran ang kumpanya, kasanayan o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng bayad sa espesyal na araw.

Para sa trabahong nagtrabaho sa espesyal na araw, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30% ng pangunahing sahod sa unang walong oras ng trabaho (Basic wage x 130%).

Para naman sa trabahong lumagpas sa walong oras, dapat bayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate ng nasabing araw.

Dapat ding bayaran ang empleyado ngkaragdagang 50% ng kanyang basic wage sa unang walong oras ng kanyang trabaho ang mga manggagawa na magtrabaho sa panahon ng espesyal na araw.

Para sa trabaho na ginawa ng lagpas sa walong oras sa panahon ng epesyal na araw na pumatak sa pahinga ng rest day, ang employer ay dapat magbayad ng karagdagang 30% ng hourly arte s nasabing araw.

Noong Oktubre 2024, inilabas ng Malacang ang listahan ng regular at special non-workign holidays para sa taong 2025. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)