Home NATIONWIDE Sagot sa job mismatch sa Pinas, isinusulong ng mambabatas

Sagot sa job mismatch sa Pinas, isinusulong ng mambabatas

Manila, Philippines – Hinikayat ngayon ng ilang mambabatas ang pribadong sektor na makilahok sa implementasyon ng Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework Act sa tuwirang ikaayos ng job mismatch o employment sa bansa.

“Jobs and livelihood remain as top concerns of Filipinos. As more employment opportunities await our labor force with the growing demand of various industries, we have to be ready with qualified human resources in the field of critical and in-demand technical skills,” pahayag ni Quezon City Rep. PM Vargas.

Pangunahing layunin ng batas na ito na ang mga negosyong lalahok o magpapatupad ng EBET o apprenticeship programs ay magkakaroon ng insentibo sa pamamagitan ng pagbabawas ng 50 porciento sa actual training expenses.

Magiging exempted din sa buwis ang mga negosyo o establismiento kung ang donasyon, subsidies o alinmang financial aid ay masesetipikahan ng TESDA technical-vocational institutions.

“Incentivizing the private sector hopes to encourage enterprises, including micro, small, medium businesses, to produce high-quality manpower. They can someday take pride of their contribution to the labor market and to our economy. We have already gained momentum by easing unemployment rate despite disruptions caused by storms and disasters last year. We hope to keep up the pace with this government and public partnership.”

Batay sa pinakahuling datus na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay bumaba ang unemployment o walang trabaho sa bansa mula sa 3.9 porciento ay naging 3.2 porciento ito.

Ayon pa rin sa PSA, ang underemployment rate sa bansa ay tumaas mula sa dating 12.6 percent ay nasa 10.8 percent na lamang ito batay sa nairehistro noong October 2024.

Ang EBET ay isang landmark law na pangunahing inakda ni Vargas na ang layunin nito ay maiangat o mapalago ang emloyment opportunities sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapataas o upgrading ng mga skills at competencies ng mga manggagawang Pinoy sa pamamagitan ng specialized training.

Ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Nobyembre ng nakalipas na taon. (Meliza Maluntag)