MANILA, Philippines – Inihayag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na sisimulan na sa susunud na buwan ang imbestigasyon ng Kamara hinggil sa naglipanang troll farms na nagpapakalat ng mga fake news.
“Itong investigation na gagawin ng tri-comm, ang layunin nito ay magkaroon ng panukalang batas na magkaroon ng regulatory framework yung paggamit ng social media,” paliwanag ni Barbers.
“Wala po tayong pinipigilan gumamit ng social media. Anybody can express what they want to say, say what they want to express and vice versa. Wala pong curtailment ng freedom of speech. Ang gusto lang natin yung gagamit ng digital space ay dapat maging responsable parin,” giit pa nito.
Ani Barbers panahon na para magkaroon ng “responsible blogging” ma maihahalintular sa kung anonqng ginagawa ng mga journalist.
Sinabi ni Barbers na may mga impormasyon silang natatanggap na may sindikatong nagpopondo sa mga trolls at mayroong kumikita ng milyon sa pagpapakalat ng fake news.
“We were given the information na may nagpopondong sindikato sa POGO at sindikato ng droga na mula sa China. They are only after the engagements eh. The more engagements they get, the bigger the money they make,” dagdag pa ng mambabatas.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay naghain ng reklamo si Barbers sa National Bureau of Investigation upang maimbestigahan at matukoy ang “narco vloggers.”
Ang unang pagdinig ng binuong komite ay itinakda sa Pebrero 3 o 4. RNT