MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Navy na namataan nila ang Chinese research vessel Lan Hai 101 na naglalayag sa dagat sa silangan ng Palawan nitong Linggo, Enero 9
Sa pahayag, sinabi ng Philippine Navy na agad na sinita ng mga awtoridad ang naturang barko.
Sumagot naman umano ang barko ng China at sinabing ang pagdaan nila ay dahil sa masamang panahon sa kanilang orihinal na ruta.
“In response to the challenge, the crew aboard the CRV Lan Hai 101 communicated that their rerouting through the eastern waters of Palawan was necessitated by adverse sea conditions on the western side,” sinabi ng PH Navy.
Dagdag pa, ang Chinese research ship ay tutugon umano “to the rights of innocent passage” sa kanilang paglabas malapit sa Coron, Palawan.
“To ensure the navigational safety and sovereignty of the region, the Western Command has deployed the Philippine Navy vessel BRP Andres Bonifacio (PS17) alongside the Philippine Coast Guard vessel BRP Melchora Aquino (MRRV 9702) to escort the CRV Lan Hai 101,” sinabi pa.
Matatandaan na naging isyu ang kabi-kabilang barko ng China na namamataan sa dagat na sakop ng Pilipinas sa mga nakalipas na buwan. RNT/JGC