MANILA, Philippines – Matagumpay na naitaboy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Chinese research vessel na namataan sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sa ulat, ang Chinese vessel ay namataang pumasok sa EEZ malapit sa Burgos, Ilocos Norte noong Mayo 1.
Dahil dito ay ipinadala ng PCG ang BRP Teresa Magbanua at isang eroplano para imonitor ang barko. Nagsagawa rin ng radio challenge sa Chinese vessel.
Kasabay ng operasyon, namataan din ng PCG ang isang submersible vessel, kabilang ang rigid hull inflatable boat, na patungo sa barko ng China. RNT/JGC