Home HOME BANNER STORY Chinese studes sa Cagayan mga mukhang gurang na – Tulfo

Chinese studes sa Cagayan mga mukhang gurang na – Tulfo

MANILA, Philippines – Estudyante ba yan? bakit matanda na? Baka sinasakop na tayo ng China.

Ito ang tinuran ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo sa harap ng imbestigasyon ng Kamara sa pagdagsa ng mga Chinese students sa Cagayan, aniya, kapansin pansin na matatanda na ang mga sinasabing Chinese students na nakaenrol sa mga kolehiyo at unibersidad sa lalawigan.

“Nagulat ako kasi karamihan sa mga sinasabi nilang mga estudyante ay hindi naman mga mukang estudyante. Karamihan sa kanila mga itsurang matanda na. Ito ang nakakabahala, baka mamaya sinasakop na nila ang ating bansa,” pahayag ni Tulfo na personal na bumisita kamakailan sa Tuguegarao.

Matatandaan na una nang umalma si Tulfo sa nabunyag sa House Inquiry na nasa P1.2M ang tuition fee ng mga Chinese nationals na estudyante sa Cagayan.

Hinimok ni Tulfo ang Kamara na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga financial transactions ng mga educational institutions sa Cagayan province sa harap na rin ng nabunyag na nagbabayad ng P1.2 milyon ang bawat Chinese student para lamang makapag-aral sa mga eskwelahan dito

Sa pagdinig ng House Committee on Justice binunyag ni Cagayan Rep. Joseph Lara na inamin mismo sa kanya ng pamunuan ng St. Paul University sa Tuguegarao na ang kada Chinese student ay nagbabayad ng P1.2 million para makapag-aral sa kanilang eskwelahan.

Bukod sa St. Paul University, dumagsa rin umano ang mga Chinese students sa St. Louis University sa Tuguegarao.

Lumitaw sa pagdinog na nasa 4,600 Chinese students ang naka enroll sa mga paaralan sa Cagayan simula pa noong 2019 at maaaring umabot pa ng mahigit sa 10,000. Gail Mendoza