Home HOME BANNER STORY 250K customer sapul ng power outage nitong Huwebes – Meralco

250K customer sapul ng power outage nitong Huwebes – Meralco

Nasa 250,000 customer ang apektado ng power interruption sa apat na pangunahing lugar sa Luzon nitong Huwebes ng gabi, May 23, ayon sa Meralco.

Sinabi ng Meralco na ang pagkawala ng kuryente ay dulot ng patuloy na red alert na nakakaapekto sa power grid sa Luzon.

“Sa patuloy na Red Alert, ang Meralco ay kasalukuyang nagpapatupad ng manual load dropping o rotational power interruptions na tumatagal ng hanggang isang oras na sa ngayon ay nakaapekto sa humigit-kumulang 250,000 customer sa mga bahagi ng Bulacan, Cavite, Metro Manila at Rizal,” sabi ng utility company sa isang pahayag.

Nagsimula ang isang oras na rotating power interruption alas-8:33 ng gabi.

Itinaas ang yellow alert sa Luzon, Visayas power grids noong Mayo 22

Sinabi ng Meralco na inaasahang mananatili sa red alert ang Luzon grid hanggang alas-11 ng gabi.

“Humihingi kami ng pang-unawa sa aming mga apektadong customer. makatitiyak na kami ay nagtatrabaho upang pamahalaan ang sitwasyon at magbibigay ng mga update kung kinakailangan,” sabi ng tagapagsalita ng Meralco at Pinuno ng Corporate Communications na si Joe Zaldarriaga.

Inilagay sa red alert ang Luzon at Visayas power grid noong Mayo 23, Huwebes.

Sinabi ng National Grid Corp of the Philippines na nabadtrip ang Sual Unit 1 dakong 11:41 p.m. noong Martes ay higit pang pinutol ang magagamit na supply sa Luzon grid. Santi Celario