MANILA, Philippines – HINDI na muling nakita ang Chinese warship na nasangkot noong August 11 collision sa Panatag (Scarborough) Shoal sa West Philippine Sea (WPS) mula nang naganap ang insidente.
Sinabi ni National Maritime Council spokesperson Alexander Lopez na ang People’s Liberation Army-Navy vessel na may bow number 164 ay hindi na muling nakita sa lugar matapos na bumangga ito sa China Coast Guard (CCG) ship, 3104.
Sa ulat, hinahabol ng CCG vessel ang BRP Suluan nang mangyari ang insidente.
Sa halip na mahuli ang barko ng PCG, bumangga ito sa barko ng Chinese Navy, na nagdulot ng pinsala sa unahan ng barko ngCCG.
Kaagad namang nag-alok ng tulong ang Philippine Coast Guard sa mga sakay ng CCG. Kris Jose