MANILA, Philippines- Nanindigan si Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Martes na magsisimula ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa 20th Congress.
“Sa 20th Congress tayo. Sa 20th Congress na ‘yan dahil wala nang sapat na panahon ngayon. Hindi namin kasalanan ‘yan. Pinili ng House i-file ‘yan sa mga huling araw, huling oras ng last day namin na alam nilang dalawang linggo na lang ang naiiwan,” pahayag ni Escudero.
“Trial will commence pag-resume na ng 20th Congress,” dagdag niya.
Samantala, sinabi ni Escudero na tuloy ang convening ng impeachment court sa Miyerkules, June 11.
“Kahit anong mangyari, magko-convene, sa pananaw ko, ang impeachment court… magko-convene palagi ang impeachment court. ‘Yun ang pinagbotohan namin kahapon, ‘yun ang pinag-usapan namin at dapat mangyari ‘yan bago kami mag-adjourn,” anang senate president sa ambush interview.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa impeachment trial ni Duterte na: “Why? What is the controversy? It is very clear that it will. Because there is no way that even if they start the trial now, that they will finish it before the new Senators come in.”
“So, well… again, the senators will decide,” dagdag niya.
Samantala, nilinaw ni Escudero nitong Martes na nabuo ang Senate impeachment court para sa kaso ni Duterte nang manumpa siya bilang presiding officer noong Lunes ng gabi, pero hindi pa ito nag-convene.
“Pag kinonvene mo nagpukpok ka na, constituted, constituted ibig sabihin pinorma na. Constituted dahil may presiding officer na. Bagaman hindi pa sumusumpa yung mga miyembro,” paliwanag niya.
“Senado ang tinatanong. Ang Senado, pagpupuk ko ng martilyo, dun palang convened. Sa ngayon, constituted lang. Mula nung sumumpa kami noong 2022 at yung balanse noong 2019, constituted na yun basta may majority,” giit pa niya. RNT/SA