Home NATIONWIDE MMDA nagpadala na ng notices of violation sa mga motoristang nasita sa...

MMDA nagpadala na ng notices of violation sa mga motoristang nasita sa NCAP

MANILA, Philippines- Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority na magpadala ng mga notice sa traffic violators sa gitna ng implementasyon ng No Contact Apprehension Policy.

Sa isang Facebook post, sinabi ng MMDA na inisyu ang notices of violation matapos ang masusing review ng ng mga paglabag na nahuli sa camera.

Nagpadala ang MMDA Motorcycle Unit ng notices sa mga address ng vehicle owners sa Metro Manila, batay sa tala ng Land Transportation Office. Ipinadala ang ibang notice sa pamamagitan ng PhilPost, kabilang ang mga may address sa labas ng National Capital Region.

Tiniyak ng MMDA sa publiko na sumasailalim ang violations na nahahagip sa camera sa manual review at verification. RNT/SA