Home NATIONWIDE Pag-inhibit nina Padilla, Dela Rosa sa impeachment trial tinutulan

Pag-inhibit nina Padilla, Dela Rosa sa impeachment trial tinutulan

198
0

MANILA, Philippines- Tutol ang isang mambabatas sa panukalang mag-inhibit sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sina Senators Robin Padilla at Ronald dela Rosa kasunod ng kanilang inihaing resolusyon na humihiling na ibasura ang paglilitis.

Ayon kay Iloilo Rep. Lorenz Defensor, ang impeachment trial ay isang political process kaya naman mali na ang mga senator-judges ay pinapa-inhibit.

“Para sa akin,hindi dapat gawin ‘yun sa isang impeachment. Hindi ito judicial process. Ang hinihingi lang natin ay maging patas sa pag-prisenta o pag-allow ng mga prosecution at defense team na ilatag ng husto,” paliwanag ni Defensor.

Una nang bumalangkas ng resolusyon sina Padilla at dela Rosa na ibasura ang trial.

Sa Hunyo 11 ay sisimulan na ng Senado ang paglilitis kay VP Sara.

Si Batangas Rep. Gerville Luistro ang syang magbabasa ng articles of impeachment sa Senado. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here