MANILA, Philippines – Umamin si dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo sa kanyang naging papel sa anomalya sa mga flood control project at humiling na maging state witness.
“Ako po ay umaamin sa aking mali nagawa… Taos puso at puno ng pagsisisi na ako ay humihingi ng kapatawaran sa Diyos, sa ating bansa, at kababayan… Handa ako gawin ang lahat ng nararapat upang maiwasto ang aking kamalian at maiwasan na ito’y mangyari muli,” pahayag ni Bernardo sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee.







