Manila, Philippines- Umani ng daan-daang libong views ang clips mula sa performance ni Chloe San Jose sa launching ng album niyang “Chloe Anjeleigh…For Real” na available na sa lahat ng major music streaming platforms.
Isa sa pinakamataas ang views ay ang clip ng “Iyo” na pinost ng When in Manila sa Facebook page nila.
Dedicated ang kantang ito kay Carlos Yulo na long-time partner niya.
Maraming nag-comment, both positive and negative.
May mga nagkumpara sa kanya kay Sabrina Carpenter, tinawag na sexy and cute ang kanta, at pinuri ang pagsayaw niya habang kumakanta nang live na hindi raw madali.
May mga iba namang tila di nagustuhan ang kanyang suot at nagpasaring na kailangan daw ay mas maintindihan ang words ng kanta niya.
Anim na kanta mula sa album ang pinerform niya.
Sa panayam niya kay Ganiel Krishnan ng ABS-CBN, inamin ni Chloe na hindi siya makatingin masyado sa table ng mga kakilala niya kasi naiiyak siya, at ang trigger nito ay ang feeling ng pasasalamat sa suporta ng lumalaki niyang circle.
Siyempre, kasama rin sa tinutukoy na table ay nandoon si Carlos na proud na proud sa na-achieve niya.
Maglabas rin kaya ng kanta si Chloe kapag engage na siya sa Olympian? Trixie Dauz