MANILA, Philippines – Nanumpa na sina Senador Pia Cayetano, Panfilo Lacson at Camille Villar na nahalal noong May 2025 elections bilang mga miyembro ng 20th Congress.
Sina Cayetano at Lacson ay nanumpa sa harap ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa bagong Taguig City Hall at Supreme Court premises.
Samantala, si Villar namanay nanumpa sa kanilang family home sa Las Piñas sa kanyang ina at outgoing senator Cynthia Villar.
Si Cayetano ay sinamahan ng kanyang anak, sister-in-law na si Mayor Lani Cayetano, kapatid na si Senator Alan Peter Cayetano, Senate President Francis Chiz Escudero, at iba pa.
Dumalo naman sa oath-taking ni Villar ang asawa nitong si Erwin Genuino, at mga anak na sina Tristan at Cara.
Sa nakaraang halalan, si Lacson ay lumapag sa ikapitong pwesto na may 15 milyong boto, habang si Cayetano ay nasa ikasiyam na pwesto sa mahigit 14.5 milyong boto.
Nasa ika-10 pwesto naman si Villar sa mahigit 13.5 milyong boto.
Ang kanilang six-year Senate term ay magsisimula sa Hunyo 30. RNT/JGC