Home HOME BANNER STORY Kable ng mga camera sa NCAP tinira ng magnanakaw sa Makati

Kable ng mga camera sa NCAP tinira ng magnanakaw sa Makati

MANILA, Philippines – Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes, Hunyo 26 na ninakaw ang kable ng ilang camera na ginagamit para sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa EDSA Guadalupe, Makati City.

Sa CCTV footage, makikita ang isang lalaki na nagnanakaw ng mga kable sa Guadalupe EDSA Overpass noong Hunyo 20.

Ayon sa MMDA, napag-alaman na lamang nilang hindi gumagana ang CCTV sa isang test nitong Martes.

May kabuuang walong CCTV cameras ang naputulan ng mga kable.

“Mahal po yung kable ng mga wires. Mukhang ibebenta po yung kable rather than galit sa NCAP,” sinabi ni MMDA chairman Romandao Artes.

Iniulat na ng MMDA ang kaso sa Philippine National Police para sa imbestigasyon.

“Lalagyan na namin siya ng harang to protect the cameras. Tandaan nyo pag nanira kayo ng property o kumuha kayo ng property, may penalty yan sa batas and we’ll make sure you’ll be prosecuted,” ani Artes. RNT/JGC